Saturday, April 24, 2010

Sweet Potato

How sweet nga naman ng buhay pag nagmamahal ka. Lumiliwanag ang paligid, gumaganda ang mundo at hindi ka na naiinis sa mga paulit-ulit na mukha at pangalan na lagi mong nakikita sa paligid. Eh paano kung nagaaway at nagkakagulo na kayo ng kasintahan mo?
LQ - meaning Lover's Quarrel. Quarrel lang ang tawag pero pag ngyayari na eh talo pa ang War of Thermopylae sa pagiging historic sa buhay ng magkasintahan. Sabi nila kelangan daw ang LQ para maging matibay ang isang relation. (Anak ng tokwa gabi-gabi kami nuon nagaaway ng ex ko abay hindi ba dapat matibay pa sa bakal na ang relationship namin?!) Well, kelangan nga naman talaga pero hindi dapat habitual. Eto ang mga tips para makaiwas sa LQ
1)Magpaload ka. Importanteng-importante ang load. Kalimutan mo na middle name mo wag lang ang magpaload. Communication is very essential sa isang relationship, lalo na pag selosa/seloso partner mo. Kaya pagpasensyahan mo na sya, tigilan mo na ang pagdodota mo at magreply ka na sa kanya ok? :D
2)Treat him/her special. Iprioritze mo sya. Ang hanap lang naman talaga ng ibang tao sa isang relationship eh ang special na pagtingin. Gusto nya na sya lang ang tatawagin mo ng special, tetextan mo ng special na texts, imbis na simpleng halo-halo lang ang ibigay mo dapat special at bibigyan mo sya ng special na oras. Gawin mo yun at siguradong itreatreat ka rin nya na special. Sumbong mo sakin pag hinde.
3)Wag mo ng paliyabin ang maliit na apoy. Pag alam mo ng mainit ang ulo, wag mo ng bwisitin! Lalo na pag lalake ka. Alam mo namang mabilis maginit ang ulo ng mga babae (no offense). Kaya pag nagiinit na, lumunok ka na ng pride. Kung kaya sinabi mo sa kanya nuon na gagawin mo ang lahat para sa kanya, simulan mo sa paglunok ng pride.
4)Matuwa ka na sa kung anong meron ka. Nasayo na sya kaya wag ka ng maghanap ng iba. Hindi yan parang bagay na napagsawaan mo na eh hahanap ka ng bago at patok ngayon. Ikaw ang nangligaw/sumagot sa kanya kaya panindigan mo yan hanggang huli kundi kukunin ka ni Boogieman.
Ok na yan siguro muna. Siguro naman magiging matamis pa sa kamote pagsasama nyo pag sinunod mo yan.. :)
Me tanong ang iba. PAANO NAMAN KAMING MGA SINGLE?! ANPER! ANPER! Well, kaya nyo paring malasap ang sweetness ng buhay. Kung ba sa kamote eh sa balat palang kayo eh ineenjoy nyo na. Kung masaya ka na ngaun, humanda ka pa sa mas matinding saya na regalo sayo ni God. Darating rin sila. Sulitin mo na ang buhay single mo. Magdota ka na hanggang walang pipigil. Makipagmalling ka sa mga kaibigan mo ng wala ka ng iisiping magagalit sa'yo. Kung masaya ang buhay ng in a relationship, masaya rin ang buhay single.
Kaya ikaw, oo ikaw, may bf/gf man or single, nagdodota man o hinde, ang saya ng buhay ay nasa paligid mo lang parati. Parang kamote lang, kelangan mo lang pagsikapan hukayin.

No comments:

Post a Comment