Fishball, Squidball, Kikiam, Chickenball, Kwek-kwek, Isaw, Betamax, IUD, Walkman at Adidas. Iilan lang yan sa mga pagkaing kalye dito sa Pilipinas. Mura, masarap at punong-puno sa vitamin hepa B. Patigasan at patindihan na lang ng tiyan para hindi ka tablan ng iba't-ibang side effects (diarrhea, pananakit ng tiyan, pagiging kuripot, etc..) ng mga murang pagkaing to. Pero ano nga ba ang meron sa mga hepa-on-a-stick kaya ito'y naging parte ng kultura ng pinoy?
Una: Mura at masarap. Parang sinabi ko lang kanina. Sa bansang ito na indi tablan ng 9.8 m/s^2 na gravity ang pagtaas ng presyo, lahat siguro ng mura eh maganda sa paningin natin. Parang rare pokemon na nga daw ang makakita ng mura at prang legendary pokemon naman ang makakita ng libre dito sa pinas. Ang mga pagkaing di tataas sa 5 piso isa ay siguradong mabili sa kahit saan dito sa pinas sa hirap ng buhay. Isipin mo 10 piso lang meron ka ng any of the ff.:
1)20 pirasong fishball
2)2 pirasong isaw (minsan 3 piraso pa depende sa lugar)
3)5 pirasong squidball
4)sago na, may gulaman pa! (sago't gulaman for short)at may sukli ka pa
Kung lahat ng un e 10 pesos each lang, san pa kaya aabot ang bente pesos mo?
Pangalawa: Availabitlity. Tumingin ka sa kaliwa, merong stall ng street food. Tumingin ka sa kanan, may mga wall at posteng punong-puno ng mga mukha ng mga pulitikong tumatakbo. Ang mga campaign ads lang ata ang tatalo sa dami ng mga nagbebenta ng street food sa (duh) kalye. Lalo na sa Recto. Isa akong FEU student kaya sa bawat school day na gawa ng Diyos eh umay na umay na ang mata ko sa mga bentahan ng isaw at tokwa. Pagdating ng gabi eh prang gremlins sila na natubigan kung dumami.
Pangatlo: Pinagbawalan kasi tayo nuong bata pa tayo. Ewan ko lang sa iba pero mostly ng mga nakilala ko eh napagkaitan ng street food nuong mga kabataan pa nila. Ngaung may allowance na sila at hindi na nasusupervise ng magulang eh tuloy tuloy n ang pagkain ng mga dating ipinagbabawal. Talagang literally nilang natitikman ang kalayaan. Masarap nga talaga ang bawal.
Pero sa kalayaang natitikman at sinasawsaw sa matamis, mahanghang, at suka na sawsawan ay may kalakip na panganib. Ang sakit sa tiyan. Matindi ang Hepa A or B na pwedeng makuha mo sa bawat masarap na kagat sa isaw. Kaya mga kids, don't forget to pray for your food before you eat! ;D
Kaya sa susunod na kakain kayo ng streetfood eh lasapin nyo ang kultura ng Pilipinas sa bawat kagat ng fishball at higop ng samalamig. Sila kasi ang malaking porsyento sa mga katagang, "masarap mabuhay sa Pilipinas".
No comments:
Post a Comment